Nitong buwan lamang, ang Department of Environment and Natural Resources ay umani ng batikos mula sa iba't-ibang environmental groups sa bansa dahil sa kanilang "389-Million Beach Nourishment Project." Nasabi sa proyektong ito na kanilang papatungan ng "artificial white sand", na kinuha sa Cebu, ang 500-metrong haba na baybayin ng Manila Bay.
Bilang estudyante ng Kolehiyo ng Ekolohiyang Pantao, maglalaan kami ng kadahilanan kung bakit ito ay dapat ninyong tutulan:
PAGLABAG SA KONSEPTO NG ENVIRONMENTAL INTEGRITY
Malaki ang posibilidad na masira ang natural ecosystem ng Manila Bay dahil sa synthetic white sand na naglalaman ng pulverized Dolomite. Maaari ring magdulot ito ng ng panganib sa aquatic organisms na mayroon ang Manila Bay kapag ito ay nadala ng tubig-ulan o ng tubig-dagat sa mas malalim pang parte ng karagatan.
Ang nasabing kemikal ay hindi lamang delikado para sa aquatic organisms kundi sa mga tao rin dahil ayon kay Health Undersecretary, Rosario Vergeirie, ito ay maaari ring magdulot ng health risks kung ito ay sakaling malanghap, na hindi malabong mangyari.
Malinaw na ang proyekto ay pansamantala lamang; ang purong layunin ay ang pagpapaganda kaysa sa pagsasaalang-alang ng magiging epekto nito sa ating kalikasan sa hinaharap.
PAGLABAG SA KONSEPTO NG SUSTAINABILITY
Nasabi na rin mismo ng DENR Undersecretary Jonas Leones na hindi kasama ang beach nourishment project sa Manila Bay Sustainable Development Plan ng NEDA. Ang National Economic and Development Authority ang bumubuo at tumitingin ng mga proyektong isinasagawa sa bansa upang masiguro na ito ay sustainable at napupunto ang social at economic needs ng bansa.
Ang nasabing master plan ng NEDA ay naka-align sa Philippine Development Plan (PDP), Ambisyon 2040 Vision at, 2030 Agenda for Sustainable Development at ito ay inaasahang matapos sa taong 2040. Nilalaman nito ang:
Ecosystem Protection
Improved Water Qualitty
Upgrading of Informal Settlements
Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation
Inclusive Growth
Ika nga ni USec. Leones ay “..para mapabilis ang proseso.” Hindi sinunod ng DENR ang dapat sana’y “step-by-step procedure” ng NEDA na mahalagang sundin upang matiyak na magiging sustainable ang gagawing “rehabilitation” sa Manila Bay. Sa mga programang ganito ay hindi kinakailangang mabilis ang maging usad kung ang unti-unting pagkilos naman ang makakasiguro na magtatagal ito at hindi na babalik pa sa dati nitong maruming estado.
Hindi ginagamitan ng holistic approach ang programang ito. Tinatabunan lamang ng synthetic white sand na ang totoong problema: (a) ang matinding polusyon sa Maynila na at (b) ang mind set ng mga taong naninirahan at nagtatrabaho sa lungsod; improper waste disposal, smoke-belching, overpopulation, excessive use and production of plastic,etc. na dalawang pinaka rason bakit tuluyang nasira ang ecosystem ng Manila Bay.
At ang nakakasuklam pa nito ay sa kabila ng lahat ng rason na naitala sa taas ay tuloy-tuloy pa rin ang pagpapatupad ng Manila Bay Enhancement Program na may suporta pa ng mayor ng lungsod na si Francisco Moreno Domagoso.
Ang CHE Student Council ay nakikiisa sa mga environmental groups sa panawagan na IHINTO ANG MANILA BAY ENHANCEMENT PROGRAM dahil sa paglabag nito sa prinsipyo ng Environmental Integrity at lalong lalo na sa konsepto ng Sustainability. Bilang estudyante ng Kolehiyo ng Ekolohiyang Pantao, dapat ay maunawaan natin na mayroong mahalagang tungkulin ang sangkatauhan sa pagpapangalaga at pagpoprotekta sa kalikasan upang nasa maayos pa itong kalagayan kapag ito ay atin nang ipapasa sa susunod na henerasyon at nang magawa pa ng kalikasan ang tungkulin nito sa kanila.
References:
Commentaires